Ayuda sa manggagawa upang ibenta ang produkto online

MAY alok na marketing assistance ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa sa impormal na sektor sa pamamagitan ng isang online platform upang tulungan sila at ang mga micro-entrepreneur na ibenta at ma-promote ang kanilang mga produkto sa Internet.

Tinatawag na DOLE Livelihood Beneficiaries Products Showcase (DLBPS) ang libreng online market platform na ginawa at pinamamahalaan ng Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC), at naglalayong linangin ang kapasidad sa pagbebenta ng mga benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Upang mas matulu-ngan sila sa paglinang ng kanilang mga produkto at serbisyo, mayroon ding product review sa online platform kung saan maaaring magbigay ng kanilang feedback o rate ang mga buyer o customer sa mga naibentang produkto.

Kinikilala ang natatanging kontribusyon ng mga manggagawa sa impormal na sektor sa bansa upang iangat ang estado ng kanilang pamumuhay, palakasin ang kanilang mga negosyo, at protektahan ang kanilang mga karapatan bilang mga manggagawa

Pangunahing layunin ng kagawaran ay ang transisyon ng mga informal worker patungo sa pormal na ekonomiya.

Naisipan ng DOLE na ilunsad ang online marketing platform upang tulungan ang mga benepisyaryo sa pagbebenta ng kanilang

Pinasinayaan ang online platform bilang isa sa mga aktibidad kasabay ng selebrasyon ng labor day para sa mga informal worker na may temang “Tungo sa Matatag at Masaganang Pagnenegosyo,” na ginanap sa Paranaque City Hall, Paranaque City noong Mayo 6.

Dumalo sa pagpapasinaya ng online platform sina Labor Undersecretary Ana Dione, na kinatawan si Secretary Silvestre Bello III; Undersecretary Ciriaco Lagunzad III; Assistant Secretary Benjo Santos Benavidez; BWSC Director Ma. Karina Perida-Trayvilla; mga stakeholder at iba’t ibang informal sector at livelihood groups, tulad ng mga construction workers, asosasyon ng mga kasambahay, micro-entrepreneurs, at mga grupo ng mga tricycle driver.

Inimbitahan rin ng BWSC ang dalawang entrepreneur na nabigyan ng benepisyo sa livelihood upang magbahagi ng kanilang kuwento ng tagumpay sa mga kapwa nila mga manggagawa.

Patuloy namang nililinang ng BWSC ang platform upang maglaman ng mga kinakailangang impormasyon ng mga benepisyaryo at kanilang mga produkto.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...