18 sa 244 nanalong kongresista taga-LP

LABINGWALONG sa 244 district congressman na nanalo sa katatapos na midterm elections at uupo sa 18th Congress ang miyembro ng Liberal Party.

Ayon kay LP Secretary General at Quezon City Rep. Kit Belmonte hindi nakakagulat ang bilang na ito dahil ang kanilang partido ang tumatayong oposisyon.

“It is quite expected. It is really difficult to be in the opposition,” ani Belmonte na nanalo sa kanyang reelection bid.

“Our last count is 18 Representatives so far— not much different from our numbers in the current Congress. Which means you can expect the same tyranny from the supermajority.”

Sinabi ni Belmonte na mananatili ang LP bilang kritiko sa mga maling ginagawa ng administrasyon.

“The Liberals and its allies will continue to stand for values. Maaaring kaunti kami, pero lalaban kami. Dahil hindi nadadaan sa paramihan ng mga nakataas na kamay ang tama at mali.”

Bukod kay Belmonte ang iba pang miyembro ng LP na nanalo sa katatapos na eleksyon sina Rep. Edgar Erice (Caloocan), Kid Peña (Makati City), Stella Quimbo (Marikina City), Cheryl Deloso (Zambales), Blue boy Abaya (Cavite), Josephine Sato (Occidental Mindoro), Boy Umali (Oriental Mindoro), Edcel Lagman (Albay), Gabriel Bordado (Camarines Sur), Tawe Billones (Capiz), Josy Limkaichong (Negros Oriental), Edgardo Chatto (Bohol), Raul del Mar (Cebu City), Paul Daza (Northern Samar), Edgar Sarmiento (Samar), Isagani Amatong (Zamboanga del Norte) at Mujiv Hataman (Basilan).

Ang LP ang partido ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Read more...