NASA gitna na naman ngayon ng kontrobersiya si Baron Geisler matapos akusahan ng kanyang girlfriend ng umano’y pananakit.
Nagsimulang kumalat ang isyu nang mag-post ang aktor sa kanyang social media account ng mensahe tungkol sa mga kinasangkutan niyang kaso noon na may kinalaman sa physical abuse at harassment.
Sinagot niya ang komento ng isang basher kung bakit binigyan pa rin siya ng chance ng ABS-CBN sa kabila ng mga nagawa niyang sablay. Napapanood ngayon ang aktor sa primetime series ni Coco Martin na Ang Probinsyano. “Excuse me. Never ako nanakit. Puro alleged harassment that cost me millions,” ang tweet ni Baron na deleted na ngayon.
Pero marami pa ring nakabasa nito dahil ni-repost nga ng kanyang ex-girlfriend na si Karen Anne Tolosa ang screen grab nito. Sinagot ni Karen ang tweet ng aktor, “Are you sure? Or are you delusional? Or do you need me to remind you of reality? Stop lying to people. It’s sick.”
Sa kanyang Facebook account, nag-post din si Karen ng, “One year and three months ago, you almost killed me. I let you walk, di kita pinakulong, di kita kinasuhan. I gave you a chance and the benefit of the doubt because you were ‘changing your life.’
“Clearly, you didn’t learn anything at all. You are not the victim here, Baron Geisler. It’s time you own up to the truth and face it,” aniya pa.
Bukas ang pahinang ito sa paliwanag nina Baron at Karen para sa mas ikalilinaw ng usapin. Marami ring netizens ang nagkomento na sana’y maayos nila agad ang kanilang problema dahil sayang naman ang kanilang nasimulang relasyon.