Starlet na aktor gustong sunugin nang buhay ng fans ni male celeb, sobrang epal

GUSTONG sunugin nang buhay ng mga tagasuporta ng isang pamosong male personality ang isang kung tawagin nila ay starlet na lalaking personalidad.

Matagal na siyang artista, nasa isang malaking istasyon pa nga siya, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umaangat ang kanyang career.

‘Yun nga siguro ang dahilan kung bakit palagi siyang nega, nakikisawsaw siya sa mga isyung wala naman siyang kuneksiyon, matabil ang kanyang dila kahit pa ang sabi ay tunay siyang lalaki.

Kuwento ng aming source, “Naku, unahin muna kaya niyang manalamin bago siya magbitiw ng mga salitang nakakapanakit ng damdamin ng kapwa niya?

“Una rin niyang tanungin ang sarili niya kung bakit napakatagal na niyang nag-aartista, pero kung bakit hanggang ngayon, e, balagoong pa rin ang career niya?

“Magsalita siya kung meron na siyang maipagmamayabang, mamintas siya kung meron na siyang karapatang pumuna ng mga taong nakikita niya!

“Pero kung ganyan lang naman ang takbo ng career niya na lulubog-lilitaw, mabigyan man ng mga trabaho, e, so-so lang, mahiya siya!” inis na chika ng aming impormante.

Malabiga kasi ang dila ng starlet actor, kung makapagsalita siya ay parang mas matalino pa siya kesa sa mga taong nagdesisyon nang ayon sa kanilang nararamdaman, pinanghihimasukan niya ang buhay ng may buhay.

Patuloy ng aming source, “Mahiya nga siya sa balat niya! Ang totoong dahilan kung bakit siya ganyan, e, dahil inggit na inggit siya sa mga taong sumikat, nagkaroon ng magandang career at minahal ng ating mga kababayan!

“E, siya, nagmamarka ba siya sa manonood kahit pa ipakita na niya ang mga abs niya? Magtigil siya!

Unahin muna niyang paangatin ang career niya bago siya makialam sa buhay ng mga kapwa niya artista!

“Ang hirap sa male personality na ‘yun, wala na nga siyang kamarka-marka sa pag-aartista niya, e, matabil pa ang dila niya!

“Putak siya nang putak, mas masahol pa siya sa babae kung makapamintas! Kapangalan ng male personality na ito ang isang lucky TV host. ‘Yun lang!” pagtatapos ng aming source

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pakitampal n’yo nga ang starlet actor na ‘yan para magtigil na siya!

Read more...