Remulla nanalo sa rematch kay Maliksi sa Cavite

 

MULING nahalal si Juanito Victor “Jonvic” Remulla bilang governor ng Cavite, matapos naman silang maglaban muli ng kanyang katunggali noong 2010 election na si dating governor Erineo “Ayong” Maliksi.

Pormal na iprinoklama si Remulla ng Commission on Elections (Comelec) Huwebes ng umaga matapos makakuha ng 825,485 boto, kumpara kay Maliksi, na may 495,288 boto. 

Ilang araw bago ang eleksyon, sinampahan si Remulla ng disqualification case dahil umano sa vote-buying.

Itinanggi naman niya ang alegasyon. 

Naging governor si Remulla mula 2010 hanggang 2016, kung saan pinalitan niya si Maliksi na naka-tatlong termino.

Noong 2016, pinalitan siya ng kanyang kapatid na si Jesus Crispin “Boying” Remulla,  matapos siyang maging spokesperson ni Vice President Jejomar Binay.

Sa kalagitnaan ng presidential elections, lumipat ang mga Remulla kay Pangulong Duterte.

Iprinoklama din ngayong araw si  vice governor Jolo Revilla, na walang katunggali.

Nanalo naman si Boying bilang kongresista sa ika-pitong distrito ng Cavite, samantalang provincial board member naman ang kanyang anak na si Crispin Diego.

Read more...