TALAGA namang napa-wow kami sa #Eleksyon2019 coverage ng GMA 7. Given na kasi na magaling sa pagbabalita ang mga anchor at reporters ng network pero hindi namin kinaya ang graphics effects na ginamit para sa nasabing election coverage.
Opening gap pa lang, pasabog na ang pa-ilaw ng GMA sa building nito na tugma sa kulay ng watawat ng Pilipinas. Nakakabilib pang lalo ang immersive graphics at animations na binida ng Kapuso coverage na naging usap-usapan sa social media.
Sa pamamagitan nga ng mga makabagong teknolohiya, mas maayos na naipaintindi ng mga GMA News pillars na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino at Jessica Soho sa mga manonood ang mga impormasyon ukol sa Midterm Elections. Grabe, ginalingan nang husto ng Kapuso Network!
Samantala, top trending topic naman nitong Martes ang batikang broadcast journalist na si Mike Enriquez dahil sa mga matatapang niyang salita sa ukol sa katatapos lang na Eleksyon.
Nasapul nga raw ng Imbestigador ng Bayan ang sentimiyento ng maraming Pilipino na nagtatanong kung ano ang maaasahan natin sa mga nanalong kandidato.
Sa isang punto ng #Eleksyon2019 coverage, tila hindi na napigilan ni Mike ang sarili at nag-dialogue ng, “Gusto ko silang singilin. Ano’ng maaasahan namin sa inyo ngayon? Lahat ‘yan nangako eh.
“Kung kalahati lang sa pangako ng mga kandidato ay magkatotoo, kalahati lang, hindi siyento por siyento, aba eh, napakagandang lugar nitong Pilipinas,” aniya pa.