Beauty sosyal ang pagresbak sa basher

BEAUTY GONZALES

SOSYALIN at very charismatic ang ginawang pagpatol ni Beauty Gonzalez sa isang basher na nanglait sa kanyang katawan.

Nag-post kasi ang Kapamilya actress ng kanyang bikini photo sa Instagram at isa nga sa kanyang follower ang nag-comment ng “Straight bent body. Lol. Don’t be so trying hard.”

Sa halip na tarayan, sinagot siya ni Beauty ng malumanay at ng may class.

“I’m actually not trying hard at all, in fact in this picture I’m quite relaxed. Just enjoying family time at the beach, Olivia playing a few feet beside me and my hubby taking my photo,” ani Beauty.

Dagdag pa niya, “Why you so angry? Because my body shape doesn’t please you? I’m healthy enough to run around with my kid and my husband has a big smile, so life is good for me with this body. I wish for you also a happy life.”

Ang Olivia na tinutukoy ni Beauty ay ang anak nila ng kanyang non-showbiz husband at art curator na si Norman Crisologo.

Read more...