MATAPANG ding nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa resulta ng midterm elections ang mga celebrities na sina Kim Chiu, JK Labajo, Kim Chiu, Alessandra de Rossi at Enchong Dee.
Diretsong binira ng kontrobersyal na singer-actor na si JK ang mga artistang tumakbo at nanalo sa 2019 Eleksyon.
“Wala na bang standards ang ating mga kababayan? Mukhang wala na talaga. Kakabuyset. Yoko na. alis nako lipat nako sa ibang bansa. Source of entertainment yung gobyerno natin dito.
“Nagiging showbiz narin. literal ang daming artistang pulitiko. LOL. Malacanang TV,” dugtong pa niya.
Hindi man direktang pinangalanan ni JK kung sinong mga celebrity candidates ang tinutukoy niya, naniniwala ang netizens na sina Lito Lapid at Bong Revilla na dalawa sa mga nakapasok sa Top 12 senatorial candidates sa partial and unofficial results ng bilangan.
Tinawag pang “ulol” ni JK ang mga Pinoy na nagsabing, “Binoto ko si ano kasi pogi siya.” Aniya pa, “Parang ginagawang laruan ang buhay ng ating mga kapwang pilipino. Nakaupo sa kanilang mga tronong gawa sa ginto habang nakatingin sa baba. sa mga naghihirap.”
Ito naman ang hugot ni Kim sa kanyang Instagram Story, “Woke up and checked the news update!!! unofficial pa but…. OMG! why them???
What happened???”
Ni-retweet naman ni Alessandra ang ilang reklamo ng mga botante na kumuwestiyon sa mga nanalong kandidato. Ani Alex, “Bagsak. Paano tayo babangon guysh? Pabili naman ng sampung kilong pag-asa! Para sa bayan! Kapit!”
Hirit pa niya, “Ako naglaba ako. Hiniwalay ko ang puti sa de kolor para walang mahawa. Madali lang mamili ng tama at mali. chot!”
May hugot din si Enchong sa kapwa niya artistang dismayado sa resulta ng eleksyon. Isa ang aktor sa mga iilang celebrities na very open at matapang na naglalabas ng kanyangs saloobin about politics.
Aniya, hindi lang dapat tuwing eleksyon naglalabas ng mga hinaing ang bawat Pilipino. Tweet ng binata, “A celebrity who prefers to stay silent during non-election years, and prefers popularity over socio-political conversations, for me, is very much late to voice out their dismay.”
q q q
Si Bato dela Rosa naman ang nagign target ng aktor na si Alex Medina na isa rin sa mga nangungunang senatoriable sa bilangan.
Sa kanyang Facebook account, ni-repost ni Alex ang isang quote card kung saan nakasulat ang “first agenda” raw ni Bato kung mananalo siyang senador.
“Meron bang mga seminar diyan? Training para gumawa ng batas? Kung meron, I will take that opportunity. Pag UP, hindi na ako pupunta kasi alanganin ako diyan. Magtawag-tawag ako kina Koko Pimentel, JV Ejercito kung ano ba talaga ang trabaho ng senador, what do I need to prepare,” ang sabi ni Bato.
Reaksyon naman ni Alex, “Sa unang tingin mukhang photoshopped pero pag tinignan mo totoo siya.
Hindi kaya decoy itong si Bato para mabaling ang atensyon natin mula sa mga kababalaghang nagaganap? Para siyang clown eh.”