Horoscope, May 16, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Simpleng selebrasyon na lang ang dapat para makatipid. Alalahanin mong malapit na ang pasukan ng mga bata sa eskuwela. Sa pag-ibig, tuloy ang nakakikilig na romansa habang pumapasok ang panahon ng tag-ulan. Mapalad ang 1, 4, 8, 22, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Riga-Pad-Me-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Isang makulit na kasama ang magpapainit ng ulo! Hindi mo na siya dapat pansinin. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong may kayumangging kulay ang balat. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Blue at white ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Mahirap magbago ng career! Ang mahalaga, makaipon ng maraming-maraming pera upang magamit sa naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, tuloy pa rin ang relasyon nagpapasigla at nagpapalakas ng iyonng immune system. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Indigo at mint green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Magbagong buhay ngayon! Sa pinansyal, bagong diskarte at bagong kalakal na may kaugnayan sa komunikasyon ang magpapayaman. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipagrelasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 5, 9, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Gray at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Kapag dumating na nang husto ang tag-ulan, asahan mong maraming suwerte at magandang kapalaran ang kusa na ring darating. Sa pag-ibig, upang lalong mag-init ang pagmamahalan, yayain ang kasuyo na maligo sa ulan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vid-Hunan-Om.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa kabila ng tagumpay may darating pa ring kalungkutan. Laging magdasal! Sa pag-ibig, tanggapin na ang inaalok na pag-ibig ng isang Sagitarius. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Om-Durate.” Yellow at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Iwasan ang tukso upang hindi mapahamak. Sa pinansiyal, ituon ang lakas at isipan sa mga bagay na pagkaka-perahan, likas kang suwerte sa pag-ibig at materyal sa panahong ito ng Taurus. Mapalad ang 5, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Om.” Silver at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Kapag ang isang Libra ay masaya, masasayang kapalaran din ang mapapasakanya. Sa pinansyal, pangiti-ngiti lang ang dapat upang dumami pang lalo ang salapi. Sa pag-ibig, ngiti ang magsisilbing gamot sa pusong nalulungkot. Mapalad ang 1, 8, 10, 29, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yantara-Pad-Meom.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Aksyon ang dapat upang lumigaya. Kung hindi ka kikilos, paano darami at lalago ang pera? Sa pag-ibig, sunggaban ang inaalok na pakikipag-date ng isang Cancer. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Secunda.” Violet at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—May pangangalakal na magaganap sa malayong lugar. Dagdag na puhunan ang dapat upang lalo pang lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, sa malayong pook may lihim na romansang naghihintay. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Pink at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi puwede ang masyadong mabait! Kapag nagbabait-baitan, lalo ka lang aapihin. Sa pag-ibig, pag-aralan n’yo ng kasuyo ang inuugali ng mga mayayaman at iyon ang inyong kopyahin upang yumaman din kayo. Mapalad ang 2, 16, 24, 37, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Rama-Om.” Green at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag advise nang advise sa mga kaibigan dahil sa bandang huli ikaw pa ang mapapasama. Ganoon talaga ang buhay! Sa pag-ibig, isa lang ang makakaunawa sa iyo ng lubos ang kaibigang Virgo. Mapalad ang 5, 17, 26, 35, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Gita-Om.” Black at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Wag makinig sa mga walang kuwentang tao, sa halip laging makipagkuwentuhan sa mga mapera, sa bandang huli magiging mapera ka rin. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pakinggan – ang kasuyong Virgo. Mapalad ang 6, 9, 12, 16, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dasa-Om-Sol.” Green at purple ang buenas.

Read more...