3 bata patay matapos ma-suffocate sa loob ng kotse sa Bataan


PATAY ang tatlong bata matapos ma-suffocate sa loob ng kotse na nakaparada ng apat na oras sa Barangay Calungusan, Orion, ayon sa naantalang ulat mula sa pulisya.

Huling nakita ang magpipinsan na sina Agatha Morales, 9, Shamel Alghela Morales, 8, at Pauline Keziah Morales, 6, na naglalaro malapit sa sasakyan ni Jessie Morales, 31,  isang safety officer sa Petron Bataan Refinery.

Tatay si Jessie ng isa sa mga nasawing bata, bagamat hindi tinukoy ng pulisya kung sino sa kanila.

Ipinarada niya ang kotse ganap na alas-4 ng hapon sa Eskinita st. at natagpuan ang mga bata sa loob ng sasakyan nang siya ay bumalik ganap na alas- 8 ng gabi.

Dinala ni Jessie ang mga biktima sa St. Michael Hospital sa Orion, bagamat idineklara ang dead on arrival.

Sinabi ng mga imbestigadoer na posibleng nabuksan ng mga bata ang mga pintuan ng kotse, bagamat hindi mabuksan mula sa loob.

Read more...