Ex-girlfriend hindi pa rin maka-move on

By Beth Viaje May 15,2019
share this

Ex-girlfriend hindi pa rin maka-move on

By Beth Viaje May 15,2019
share this

DEAR Ateng Beth,
Magandang araw po sa ‘yo ateng. May idudulog lang po ako na problema. Hihingi sana ako ng advice sa inyo tungkol po sa ex-girlfriend. Ako nga po pala si Alex, taga-Angono, Rizal.
Ang dating girlfriend ko po ay nasa Dubai ngayon. Naka-move on na po ako sa breakup namin na nangyari mahigit isang taon na, pero wala pa rin akong bagong GF.
Ngayon po ang problema ko po ay tawag nang tawag sa akin ang ex-GF ko, makailang ulit na akong nagpalit ng numero pero lagi pa rin niya akong nakokontak dahil ibinibigay ng mga kaibigan namin.
Lagi rin niya akong china-chat. Hindi ko naman siya mai-unblock dahil tingin ko ay kaibigan ko pa rin naman siya.
Lagi siyang nangangamusta, ayaw ko namang hindi sagutin bilang paggalang na rin sa kanya.
Ang kaso may iba na siyang boyfriend. Pero sabi niya mahal pa rin niya ako. Ano po ba ang gagawin ko para tigilan na niya ako.

Alex

Ampogi-pogi mo naman Alex! Talagang poging-pogi ka sa sarili mo. Tama naman siguro na sagutin mo siya, isa o dalawang beses sa kanyang pangangamusta. Pero yung palagi mo rin siyang sinasagot ay iba nang usapan iyon. Una, baka hindi ka pa rin talaga naka move on at umaasa ka pa rin na may balikang magaganap.
Pangalawa, maaaring wala ka nang nararamdaman para sa kanya, pero ikinokonsidera mo siyang kaibigan kaya tinatanggap ang kanyang tawag pero alam mo ba na maaaring binibigyan mo siya ng false hope na pwede pa rin kayong maging magkasintahan muli.
Alam mo, ang pinakamainam mong gawin kung talagang wala ka ng feelings para sa kanya ay tapatin mo siya na itigil na ang inyong communication.
Payuhan mo rin na mag-move on na at maging tapat at sa present niyang boyfriend. Be sincere and wish the person to be happy. Be nice pero be direct din.
Sa isang banda, you can just ignore the calls and tell the person you can’t talk dahil busy ka. You don’t have any obligation to talk to the person if you don’t want to, ‘di ba?
Sabihan mo rin ang mga kabarkada na huwag ng ibigay ang number mo sa dating kasintahan upang maka-move on na kamo s’ya. Good luck and all the best!

May suliranin ka ba tungkol sa pag-ibig, relasyon, pamilya o career, itanong na at may sey si Ateng diyan. I-text lang sa 09989558253.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending