Angel na-bad trip sa PNP, umalma sa paninira kay Colmenares: Ayokong inaagrabyado ang kahit sino!

By Ervin Santiago May 14,2019
share this

Angel na-bad trip sa PNP, umalma sa paninira kay Colmenares: Ayokong inaagrabyado ang kahit sino!

By Ervin Santiago May 14,2019
share this

ANGEL LOCSIN

INALMAHAN ni Angel Locsin ang umano’y kasinungalingan at black propaganda na ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) laban sa kumandidatong senador na si Neri Colmenares.

Sa kanyang Twitter account, ni-repost ng Kapamilya actress ang isang video kung saan makikita ang ilang pulis na naka-uniform at namimigay ng official newsletter ng PNP na naninira kay Colmenares at iba pang Makabayan partylists.

Hindi raw siya makapaniwala na umabot pa sa ganu’ng uri ng black propaganda ang mga nasa posisyon. Si Angel ay tiyahin ni Colmenares.

“Bakit grabe ‘yung effort pra makasira? Wala bang maibato kay @ColmenaresPH kaya kinakalat na komunista o NPA sya?

“Dahil ba gumagawa sya ng paraan para sa kapakanan ng ordinaryong tao at hindi sa ikabubuti ng mga mapagsamantalang tao? Mag-isip sana tayo,” tweet ni Angel.

Dagdag pa ng aktres, “If you don’t believe in him, don’t vote for him. Spreading lies and destroying the reputation of someone with pure intentions is what I don’t agree with.”

“Ayoko pag inaagrabyado ang kahit na sino,” aniya pa.

Ikinampanya ni Angel si Colmenares ngunit mukhang malayo nang makapasok ang kandidato sa Magic 12 ng mga bagong halal na senador.

Sa pinakahuling resulta ng bilangan, nananatili si Colmenares sa 24th spot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending