Pay rules ng election day

PARA mabigyang impormasyon ang mga manggagawa, pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa pribadong sektor na ipatupad ang tamang panuntunan sa pagpapasuweldo sa kanilang mga manggagawa na magtatrabaho sa Mayo 13, 2019.

Batay sa Labor Advisory No. 07, series of 2019, sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na ang mga empleyadong magtatrabaho sa Mayo 13 ay karapat-dapat na makatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang arawang suweldo. Sa ilalim ng Proclamation No. 719 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw ng Lunes ay isang special non-working holiday upang bigyang-daan ang publiko na magampanan ang karapatan nilang bumoto sa gaganaping mid-term local at national election.

Bilang patnubay sa mga employer at mga manggagawa, itinatakda ng kagawaran ng paggawa ang mga sumusunod na panuntunan sa pagpapasuweldo:

Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang patakaran na ‘no work, no pay’ ang dapat gamitin maliban lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagtatakda ng kabayaran para sa special holidays.

Ang patakaran para sa mga nasabing holidays para sa ginampanang trabaho, dapat bayaran ang empleado ng karagdagang 30% ng kanyang arawang sahod para sa unang walong oras o [(Arawang Sahod x 130%) + COLA].

Habang ang trabahong ginampanan ng mahigit sa walong oras (overtime), siya ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita o [(Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho)].

Para sa trabahong ginampanan para sa mga nasabing araw na siya ring araw ng pahinga ng empleyado, dapat siyang bayaran ng karagdagang 50% ng kanyang arawang kita para sa unang walong oras, o [(Arawang sahod x 150%) + COLA].

Samantalang para sa trabaho na mahigit sa walong oras (overtime) na siya ring araw ng pahinga ng empleyado, siya ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita, o [(Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho)].

#Paul Ang

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...