Well, kung nararamdaman ng grupo nina direk Carlo Caparas ang lupit ng hagupit ng pagbabalewala ng Korte Suprema ng kanilang pagiging National Artist, ramdam din naming may mapagpalang “kamay” na umiipit at naglalagay sa balag ng alanganin kina Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bongbong Marcos at Sen. Juan Ponce Enrile na diumano’y sangkot sa “pork barrel scam” na likha ng isang mayamang negosyante.
Sa nabasa naming official statement ni Sen. Bong, malinaw ang pagkakasabi niyang kahit sila ay biktima rin ng pangyayari kung sakali mang may katotohanan ang affidavit ng mga whistleblowers, na hayagang umamin na pineke at dinoktor lang nila ang mga dokumento para makakuha ng pondo mula sa pork barrel ng mga Senador at Congressman.
“This issue should really be investigated at dapat fair and objective ang imbestigasyon. The allocation made of the funds are all subject to existing government rules and regulations.
The release of funds are solely handled by the implementing agencies and the executive branch,” ang bahagi pa ng statement ni Sen. Bong.
Malinaw na malinaw mga Ka-BANDERA na nagpuputak ngayon ang administrasyon sa mga hindi nila kaalyado dahil nga ngayon pa lang ay may mga nagpaplano na para sa 2016 presidential elections.
Alam naman ng lahat na may public clamor na tumakbong pangulo si Sen. Bong. Mukhang ayaw ngang tigilan ng ilang grupo si Sen. Bong, no! Pagkatapos salakayin ng mga pulis ang bahay nila sa Cavite noong araw ng eleksiyon, ito naman ngayon ang emote nila.
( photo credit to google )