P174M jackpot ng Grand Lotto mailap

HINDI tinamaan ang P174 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nakakuha sa winning number combination na 13-24-27-51-20-40.

Sa bola sa Miyerkules posibleng umabot ang jackpot prize sa P178 milyon.

Nanalo naman ng tig-P200,000 ang tatlong mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.

Tig-P1,400 naman ang tinamaan ng 532 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P24 taya ng 11,539 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyekules at Sabado.

Read more...