Boobs ni Andrea may sariling buhay; swerte ni Derek

By Bandera May 14,2019
share this

Boobs ni Andrea may sariling buhay; swerte ni Derek

By Bandera May 14,2019
share this

ANDREA TORRES AT DEREK RAMSAY

Nagkaroon ng isang intimate birthday celebration ang sexy Kapuso actress na si Andrea Torres nitong nakaraang weekend sa Tagaytay.

Kita sa kanyang Instagam post na kasama ng aktres ang pamilya at iba pang mahal sa buhay. Binati rin si Andrea ng kanyang fans sa comments section, pati na rin ng matalik na kaibigan at kapwa Kapuso star na si Kris Bernal.

Samantala, nakatutok ngayon si Andrea sa taping ng kanyang upcoming Kapuso series na The Better Woman kung saan makakasama niya ang pinakabagong Kapuso hunk na si Derek Ramsay.

Marami na nga ang nag-aabang sa pagsisimula ng serye dahil excited na sila na mapanood ang tandem ng dalawa na napakalakas ang onscreen chemistry.

Ngayon pa lang ay atat na atat na ring mapanood ng kanyang male fans ang The Better Woman dahil na rin sa mga promo materials na naglalabasan sa social media, lalo na ang mga sexy pictures nila ni Derek.

Grabe naman daw kasi ang nagmumurang boobs ni Andrea, as in talagang agaw-eksena.

Comment nga ng isang netizen, para raw may sariling buhay ang dibdib ni Andrea kaya mas dumami pa ang mga lalaking naglalaway sa kanyang alindog.

Inggit na inggit nga raw sila kay Derek dahil ito ang napiling leading man ng dalaga sa bagong sexy-drama serye ng GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending