JaDine hot na hot: muling nagpakaligaya sa Palawan

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

Muling nagpakaligaya sa El Nido, Palawan ang magdyowang sina James Reid at Nadine Lustre kamakailan para sa 26th birthday celebration ng aktor.

Sa isang IG photo ni James na ipinost ni Nadine, binati niya ang singer-actor, “Happy 26th! I LOVE YOU! ps. cry baby walker.”

Sa Instagram Stories din ni Nadine makikita ang mga litrato nila ni James na kuha sa El Nido. Kasama nilang nagbakasyon ang pamilya ni James at ilang malalapit na kaibigan.

Read more...