Maine kumembot, gumiling, todo bukaka sa TBATS

MAINE MENDOZA

Winner ang guesting ni Maine Mendoza sa The Boobay And Tekla Show last Sunday!

Aba, ibinandera nga niya ang sariling bersyon ng eagle dance na pinasikat ng viral sensation na si Dante Gulapa, huh!

Kumembot, gumiling, kumendeng at todo bukaka ang Phenomenal Star habang sumasayaw ng eagle dance sa nasabing episode ng TBATS.

Naging trending topic din sa social media ang guesting na iyon ni Meng sa show nina Boobay at Tekla at tuwang-tuwa ang kanyang fans sa pagiging game ng Dubsmash Queen sa segment niyang ‘yon!

Ibang klase talaga ang comedic timing ni Maine, nahasa na siya nang todo sa araw-araw na pagsalang sa Eat Bulaga kasama ang magagaling ding komedyante na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Read more...