Catriona, Dingdong nagpaalala sa mga botante: Wag sayangin ang inyong boto! | Bandera

Catriona, Dingdong nagpaalala sa mga botante: Wag sayangin ang inyong boto!

Jun Nardo |May 14,2019
facebook
share this

Catriona, Dingdong nagpaalala sa mga botante: Wag sayangin ang inyong boto!

Jun Nardo - May 14, 2019 - 12:25 AM

CATRIONA GRAY

ALL the way from New York City ang paalala ni Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa lahat ng mga Pinoy na bumoto kahapon.

Sa kanyang Instagram Stories, sinabihan ni Catriona ang lahat ng botante na mahalaga ang bawat boto para sa ikauunlad ng Pilipinas.

“To all Filipinos, I encourage you to do your part in deciding the future of our beloved Philippines by exercising your tight to VOTE – May 13th,” post ni Catriona.

Si Dingdong Dantes naman ay idinaan sa Twitter ang paalala niya lalo na sa mga kabataan na huwag kalilimutang bumoto.

“In this democratic exercise of choosing our next leaDers – who will eventually draw our future as a nation – the results of our action or inaction, is something that we all deserve.

“Might as well make it count! Mahal kong Pilipinas, lalu ang mga kabataan, make your voices heard,” tweet ni Dong.

Sa mga kilalang celebrities, ilan sa mga maagang bumoto ay sina Anne Curtis, ang mag-asawang Robin Paddilla at Mariel Rodriguez, Heart Evangelista at asawang si Chiz Escudero (sa Sorsogon), Ruby Rodrguez at Angel Locsin.

Paalala nilang lahat “vote wisely!”

Samantala, inaasahan na rin na ngayong tapos na ang eleksyon ang susunod namang lulutang ay ang mga magiging pahayag mula sa talunang kandidato. Ano pa nga ba ang sasabihin nila kundi, “Nadaya ako!” Of course, hindi na bago ang mga ganyang pahayag mula sa mga politikong umuwing luhaan, huh!

Siyempre, ang dasal din namin ay ang maayos at mapayapang Election 2019. Sana’y kaunti lang ang mga election-related violence na naitala sa ilang probinsya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending