TNT contestant pinaiyak si Randy, naalala ang yumaong anak | Bandera

TNT contestant pinaiyak si Randy, naalala ang yumaong anak

Cristy Fermin |May 14,2019
facebook
share this

TNT contestant pinaiyak si Randy, naalala ang yumaong anak

Cristy Fermin - May 14, 2019 - 12:20 AM

RANDY SANTIAGO AT GARY VALENCIANO

Maraming pinaluha ang singer-actor na si Randy Santiago bilang hurado ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime. Nagkataon kasi na ang isang kalahok ay matagal nang hindi nakikita ang kanyang ina at lolo at lola lang nito ang kumalinga sa kanya.

Garalgal ang boses ng contestant nang ikuwento nito sa mga kausap nitong hosts na sa wakas ay natagpuan na rin nito ang kanyang nanay sa pamamagitan ng social media.

“Nag-try lang po kami, kapangalan kasi siya ng totoong mother ko. Siya nga po pala ‘yun. Pero parang wala lang. Parang casual lang ang sabi niya nu’ng magpakilala ako sa kanya. Parang hindi naman siya sabik na makita ako,” kuwento ng kalahok.

Napakatindi ng tama ng kuwento kay Randy Santiago. Umiiyak siya habang nagsasalita, naalala raw kasi niya si Ryan, ang namayapa niyang anak dalawang taon na ngayon ang nakararaan.

Ikinuwento ni Randy na napakahirap mawalan ng anak, may katagalan na ang naganap sa kanilang pamilya, pero hanggang ngayo’y hindi pa rin sila nakapagmu-move-on ng kanyang misis na si Marilou.

Pagkatapos nga naman ay makakarinig siya ng kuwentong parang walang pagpapahalaga ang ina ng kalahok sa anak nito?

“Napakahirap. Hanggang ngayon, nandito pa rin si Ryan. Pero alam ko, palagi niya kaming sinusubaybayan,” emosyonal na pahayag ng magaling na singer-actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending