KASABAY ng kanilang pagboto, nakiusap din ang ilang sikat na celebrities sa lahat ng botante na maging wais sa pagpili ng mga kandidatong iluluklok sa iba’t ibang posisyon ng gobyerno.
Ilan sa mga artistang maagang gumising para sumugod sa kani-kanilang voting precinct para bumoto ay sina Susan Roces, Anne Curtis, Angel Locsin, Mariel Rodriguez, Robin Padilla, Matteo Guidicelli, James Yap, Aiko Melendez at Heart Evangelista.
Ipinost ni Anne sa kanyang Twitter account ang picture niya na nagpapatunay na nakaboto na siya dahil may marka na ng indelible ink ang isa niyang daliri.
Caption niya sa kanyang litrato, “Done! Hope everyone exercised their right to vote and votes wisely today. Praying for a peaceful Election Day.”
Ipinakita rin ni Angel ang kanyang finger na may marka sa isang Instagram photo na may caption na, “Your country’s future is in your finger tips. Vote for a better tomorrow.”
Maaga ring nagising si Mariel para mag-prepare sa pagboto nila ng asawang si Binoe. Nag-post din siya ng picture nila ni Robin matapos bumoto at sabi niya sa caption, “I woke up at 5:30am because I wanted to be at the voting hall by 6am. I said ‘gusto ko ako yung unang bibigyan ng balota.’ Hahaha! Please exercise your RIGHT to vote and vote wisely!!!”
Pero tulad ng mga na-experience ng napakaraming Pinoy sa kanilang pagboto, hindi rin nakaligtas si Karla Estrada sa paghihintay ng ilang oras sa pila dahil nagkaproblema sa mga voting machines.
Nag-post ang nanay ni Daniel Padilla ng kanyang litrato sa IG habang nasa pila sa isang voting precinct sa Quezon City. Aniya sa caption, “Waiting sa pila para bumoto!sira ang machine ng precinct namin kaya tulala lang kami dito sa pila!Pati pag boto sakripisyo! Kaya kayong mga mahahalal galingan n’yo talaga!!!
“Nakuuu! Bangon mga kababayan at bumoto para may karapatan kang punahin ang mga maluloklok na hindi mag tratrabaho! #exerciseyourright,” aniya pa.
Naglaan din ng oras ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga para makaboto sa San Isidro Elem School Taytay Rizal polling precinct kasama ang kanilang mga magulang na sina Bonoy Gonzaga at Mommy Pinty.
Ilan pa sa mga celebrities na nakaboto na ay sina Bong Revilla, Jhong Hilario, Gary Estrada at Dominic Ochoa na pare-parehong kumakandidato ngayong eleksyon.