P142M Super Lotto jackpot nakuha sa Maynila, P72.1M Ultra Lotto jackpot nakuha sa Zambales

TINAMAAN ang P142.6 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 at P71.1 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang nakakuha sa winning number combination na 25-31-07-28-18-27. Ang nanalo ay tumaya sa SM San Lazaro sa Maynila.

 Nanalo naman ng tig-P25,080 ang 48 mananaya na nakakuha ng limang numero.

Tig-440 naman ang 2,167 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 32,663 mananaya na nakatatlong numero.

Mula noong Enero 31 ay walang tumatama sa jackpot prize ng Super Lotto.

Samantala, isang mananaya sa Olongapo City, Zambales ang nanalo ng P72.1 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

 Isa lang ang nakakuha sa winning number combination na 06-17-04-26-08-15.

Nanalo naman ng tig-P26,330 ang 19 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero. Tig-P400 naman ang 996 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya ang 14,087 mananaya nakatatlong numero.

Noong Enero 20 pa walang tumatama sa jackpot prize ng Ultra Lotto.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo.

Read more...