5 nangampanya malapit sa presinto dakip

LIMA katao ang dinakip nang mamahagi ng campaign materials malapit sa presinto habang nagsisimula ang botohan sa Lipa City, Batangas.

Nakilala ang lima bilang sina Julian Rodel Laygo, 58; Dolores Soriano, 45; Gregorio Caguitla, 41; Diane dela Rosa, 23; at Marivic Contreras, 33, ayon sa pulisya.

Namahagi umano sila ng campaign materials sa loob ng “prohibited distance” mula sa presinto sa Brgy. Anilao proper.

Read more...