Iginiit naman ni Crisologo na iligal ang ginawang pag-aresto sa kanilang mag-ama. Wala rin umanong nagaganap na vote buying kundi naghahanda lamang ang kanilang mga pool watcher.
Inaresto ang mag-ama sa Aqueda st., Brgy. Bahay Toro at dinala sa Camp Karingal.
Si Crisologo ay tumatakbo sa pagka-alkalde ng Quezon City at ang kanyang anak ay tumatakbo sa congressional post.
“Kung gusto nila maging ganito ang tatlong taon natin para tayong nasa Martial Law, na ginagamit nila ang pulis para sa pagpo-promote ng kanilang kandidatura nasa taumbayan na yan,” ani Crisologo.
Kuwento ni Crisologo pinasok ng mga pulis ang bahay ng kanilang watcher ng walang ipinakikitang search warrant. “Pumunta lang kami to observe tapos nun dumating yung commander nila….. galit na galit pinosasan na kami, pinasok na yung mga loob ng kuwarto walang search warrant, hindi kami binasahan kung rights namin, hindi namin alam kung bakit nandito kami.”