PIPILI tayo ng mga kandidato sa pagbubukas ng polling precinct simula alas-6 ngayong umaga.
Nakahanda na rin sa isip natin kung sinu-sinong senatoriable ang ilalagay sa ating Magic 12. Maski mayor, vice mayor at mga konsehal sa distrito ng lungsod o bayan natin ay nakalista na rin sa ating kodigo.
Tandaan sana na ibang eleksyon ang mangyayari ngayon kumpara noong 2010.
Meron nang 85 “enhancements” o pagbabago upang matiyak na hindi magkakadayaan sa bilangan sa presinto hanggang canvassing sa Comelec.
Magkakaalaman mamayang gabi kung ang mga tunay na boto ng tao ang lalabas sa resulta ng mga vote counting machines o dating PCOS.
Sa totoo lang, maraming depekto ng ating demokrasya ay galing sa mga dayaan sa eleksyon.
Meron nga tayong mga presidente, senador at iba pang opisyal na hindi naman talaga dapat nanalo pero na-smartmagic noong nakaraang halalan. Kaya’t sa halip magkaisa pagkatapos ng eleksyon, lalong nahati ang bayan dahil kwestyunable ang resulta ng halalan. .
Kung parehas at hindi dinadaya ang eleksyon, ang tunay na hinalal ng masa ang tanggaping nag-iisang lider ng ating bansa.
Ngayong araw, pipili na naman tayo ng 12 senador, 232 congressmen, 145 city mayors at 1,489 municipal mayors kasama ang kanilang city at municipal councilmen at provincial board members.
Paalala lamang at unang-una, huwag sanang iboto ang mga kandidatong akusado sa mga anomalya sa paglustay ng pera ng bayan, lalo na iyong mga nakulong na.
Ikalawa, huwag iboto ang mga kandidatong nagmamalinis ngayon pero noong nakaraang administrasyon ay tahimik sa kaliwa’t kanang mga anomalya, tulad ng Dengvaxia, trahedya tulad ng Yolanda, SAF 44 at DAP (PORK BARREL).
Ikatlo, huwag iboto ang mga kandidatong magbabalik ng mga “criminal” at “adik” sa mga lansangan at pamayanan. Diyan po nasira ang “Democratic party” sa Amerika, kung saan, ang pananaw ng marami roon ay sila ang nagtatanggol ng “human rights” ng mga “criminal”, “adik” at “drug lords”.
Ikaapat, piliing mabuti ang mga nagbabalik na “graduating se-nators” at isipin ang kanilang track record. Sila ba’y naging miyembro lamang ng “komite de silencio”, o nanahimik lang sa Senado at walang ginawa?
Ikalima, kasama ba ang mga senador na ito sa mga grupong nagpa-patuyo ng P8-12-B Borloloy Senate building diyan sa Fort Bonifacio?
Ika-anim, kasama ba sila sa mga Senador na tumanggap ng tig-P50-milyon hanggang P200-milyong pork barrel ga-ling kay PNoy para ma-patalsik si dating Chief justice Renato Corona?
Doon sa mga kandidato sa local elections, ito ang dapat niyong itanong sa sarili bago bumoto. Una, ang kandidato ba sa pagka-mayor ay merong kasong katiwalian sa Ombudsman o Sandiganbayan?
Kung merong kaso, wag nang iboto.
Ikalawa, ang kandidato ba sa pagka-mayor ay bata at masigla pa? Kung matanda na o edad 70 pataas, huwag nyo nang iboto. Tutal hindi na rin siya makakaikot sa in-yong lugar at hindi kayo masisilbihan,
Ikatlo, tingnan ang track record at karakter ng iboboto ninyong alkalde. Mabait ba siya o nagbabait-baitan lang?
Mahirap na pong magsisi sa bandang huli. Lalong lalo na iyong mga taong tatanggap ng pera kapalit ng boto. Kaya walang respeto ang mga nahahalal na alkalde at iba pa sa taumbayan ay dahil ibinebenta nila ang kanilang mga boto. Panahon na upang wakasan ito.