Coco pinakilig ang madlang pipol sa b-day surprise kay Yassi

KINILIG ang mga fans nina Coco Martin at Yassi Pressman sa kanilang viral video kung saan sinorpresa ng Teleserye King ang dalaga sa birthday nito.

Nasa Cebu ang dalawang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano kasama ang cast and crew ng serye nang sorpresahin ni Coco ang kanyang leading lady.

Makikita sa video si Coco na may hawak na cake habang kinakantahan niya ng “happy birthday” si Yassi with the cast and crew.

Ang message na nakalagay sa cake ay, “Happy Birthday Alyana! Love, Cardo,” na siyang mga karakter nila sa Probinsyano. Kaya naman kilig na kilig ang kanilang fans at ilan pa nga sa mga ito ay nagsabing bagay na bagay talaga sina Alyana at Cardo.

Read more...