Matteo handang makipagbakbakan sa mga kalaban bilang army reservist


HANDANG makipagbakbakan ang Kapamilya singer-actor na si Matteo Guidicelli laban sa mga kaaway ng Pilipinas.

Bilang isang army reservist, ibinahagi ng boyfriend ni Sarah Geronimo ang mga pinagdaraanan niyang training kasama ang iba pang sundalo ng Philippine Army.

Balitang nasa isang kampo ng militar sa Cavite nga-yon si Matteo para sa mas matitindi pang training na kailangan nilang pagdaanan. Aniya isa ito sa mga paraan para kahit paano’y mapagsilbihan niya ang kanyang bansa.

“Bilang Pilipino, I think this is giving back to our country,” pahayag ni binata sa panayam ng ABS-CBN.

“We do training, disaster relief. We just came from Davao. We visited the wounded. We even talked to ex-rebels,” sey pa ni Matteo.

Sa ngayon, hindi pa siya allowed na makipaglaban sa battlefield o ma-assign sa mga delikadong mission pero sabi nolg aktor ready naman siya kapag dumating na ang panahong yun.

“If I could I would… The best advocacy would be helping out my country. All reservists are trained and prepared for that day,” pahayag ng BF ni Sarah.

Read more...