‘Ang inang tulad ni Mariel ay dapat biyayaan ng maraming anak’


TATLONG buwan nang nagdadalantao si Mariel Rodriguez sa pangalawa nilang anak ni Robin Padilla. Pinili niyang ibalita ‘yun sa It’s Showtime sa Mother’s Day episode ng noontime show.

Nakakatuwang malaman na magkakaroon na ng kapatid ang kanilang panganay na si Isabella. Hands-on siya sa pagpapalaki ng kanilang anak, nang pumasok na lang siya sa noontime show, saka kumuha ng tagapag-alaga ni Isabella si Mariel.

Maraming naging emosyonal sa balita ni Mariel, alam ng publiko na dalawang beses muna siyang nakunan, bago nabuo si Isabella.

Palaging ganu’n ang nangyayari sa mga nanay na nagkakaroon ng miscarriage. Nagiging sunud-su-nod ang kanilang pagdadalantao, pagkatapos nilang makunan.

May anak-anakan kaming matagal nang naninirahan sa San Diego, California. Pitong taon na silang kasal ng kanyang mister, pero hindi pa rin sila makabuo, palaging nalalaglag ang binhi.

Pero nang magpa-check-up ito sa natuloy na pagdadalantao ay kambal pa pala ang kanyang dinadala, bawing-bawi ang pitong taon nilang ipinaghintay, kaya maligayang-maligaya ang mag-asawa.

Ang tulad ni Mariel Rodriguez na mapagmahal sa anak ay dapat lang biyayaan pa ng mas maraming supling. Mabuti siyang ina at alam niya ang tunay na kahulugan ng pagiging ina.

Read more...