2 arestado sa vote-buying sa Laguna | Bandera

2 arestado sa vote-buying sa Laguna

- May 12, 2019 - 04:30 PM

ARESTADO ang dalawa katao dahil umano sa pagkakasangkot sa vote buying sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna, Linggo ng tanghali.

Kinilala ni Laguna police chief Col. Eleazar Matta ang mga nahuli na sina Melchor Sta. Ana, 61, at Miriam Octavio, 54, kapwa residente ng Barangay Oogong.

Sinabi ni Matta na rumesponde ang mga pulis matapos magsumbong ang isang concerned citizen dahil sa nangyayaring vote-buying sa barangay ganap na alas-11:55 ng umaga.

Nahuli ang mga suspek na namamahagi ng P100 kasama ng mga sample ballot na kasama ang pangalan ni reelectionist Laguna governor Ramil Hernandez at 13 iba pang kandidato sa lokal na posisyon, na pawang na sa ilalim ng Nacionalista Party.

Itinanggi naman ni Hernandez, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na si Chris Sanji, na sangkot sila sa vote-buying.

“It’s not in our camp’s style to buy votes,” sabi ni Sanji.

Sinabi ng mga pulis na narekober ng mga pulis ang P4,500 cash at notebook mula sa maga suspek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending