NAARESTO ng Quezon City Police District ang 185 katao na lumabag sa liquor ban na ipinatutupad para sa eleksyon bukas (Lunes).
Ayon kay QCPD Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., nagsimula ang pag-aresto alas-12:01 ng umaga ng Linggo.
Nagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations ang 12 istasyon sa ilalim ng QCPD.
Nakaaresto ang Cubao Police Station ng 72 lumabag sa liquor ban. Nakahuli naman ang La Loma Police Station ng 34, ang Anonas Police Station ay nakahuli ng 25 violators; 20 ang Masambong Police Station, 14 ang Project 4 Police Station, 13 ang Kamuning Police Station, lima ang Galas Police Station at dalawa ang Fairview Police Station.
Ang mga naaresto ay sasampahan ng paglabag sa Omnibus Election Code partikular ang Comelec Rules and Regulation of the Liquor Ban in Connection with the May 13, 2019 National and Local Elections.
Ang paglabag dito ay nangangahuliugan ng isa hanggang anim na taong pagkakakulong.
Tatagal ang liquor ban hanggang 12 ng hatinggabi sa Mayo 14. Ang maaaring hulihin maging ang mga nagbebenta at bumibili ng alak.