TATLONG buwan nang buntis si Mariel Rodriguez sa second baby nila ni Robin Padilla.
Ibinandera ng TV host ang good news sa special Mother’s Day episode ng It’s Showtime kaninang tanghali.
“Today, I am so happy to share with all of you isang espesyal na balita na nalaman namin ng asawa ko a few months ago.
“Si Isabella ay magiging ate na. I am three months pregnant with Baby No. 2. And ngayon pa lang, gusto po talaga magpasalamat sa inyong lahat dahil alam ko kasama ko po kayong lahat magdadasal, magmamahal, at susuporta. Maraming-maraming salamat po,” pahayag ni Mariel sa madlang pipol.
Kung matatandaan, dalawang beses nakunan noon si Mariel bago niya ipanganak si Isabella.
Pagpapatuloy pa ng misis ni Binoe, “A few years ago, pag Mother’s Day, para sa akin po, para lang siya isang ordinaryong araw.
“But all of that changed when I became a mom myself. At kasama ko po kayo, madlang pipol, sa naging journey ko.
“From heartbreaking losses until finally I’ve had my baby girl, my Isabella. Nu’n ko po nalaman na iba po pala talaga ang hirap at ang saya ng pagiging isang ina.
“Sa career ko po, ang dami ko na pong nasubukan, pero none is as rewarding or even comes close to the job of being a mother. Iba po pala talaga.
“Di ba po kasi, sa trabaho natin, meron po tayong day off. Pero ang isang ina, ultimong naliligo ka na lang, iniisip mo pa, ‘Ano ba ipapakain ko sa anak ko ngayong araw?’
“Di ba? Iisipin mo, ‘Naayos ko na ba yung damit na isusuot niya? Ano ba schedule namin today. At lahat ng yun ginagawa natin nang buong puso.
“At madlang pipol. Gusto ko po magpasalamat sa inyong lahat nung mga panahon na kinailangan ko po magpahinga, inintindi niyo po ako.
“At mas lalo ako nagpapasalamat dahil nung huli po akong bumalik, napakainit po yung tanggap niyo sa akin. Kaya habambuhay po ako nagpapasalamt for that. Thank you for letting me enjoy motherhood. Maraming-maraming salamat po,” pagtatapos ni Mariel.