Maulap, maulan sa araw ng halalan

 

MAGIGING maulap at posibleng umulan sa araw ng eleksyon batay sa pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Bukas (Linggo) at sa Lunes ay makakaapekto sa Visayas at Mindanao ang Intertropical Convergence Zone na magdadala ng maulap na papawirin at ulan.

Magiging maulap din sa Luzon kapag hapon at maaari itong magdala ng mga pag-ulan partikular sa Cordillera Autonomous Region.

Binabantayan din ng PAGASA ang isang low pressure area. Kahapon (Sabado) ito ay nasa layong 570 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at nakapaloob sa ITCZ.

Read more...