Suzi Abrera niloko ng ex-BF: Ginulpi ko talaga siya

MATAPANG pala talaga ang Kapuso TV host na si Suzi Abrera, huh! Alam n’yo ba na binugbog pala niya noon ang kanyang ex-boyfriend dahil sa pagiging manloloko nito.

Sa isang episode ng talkshow nila ni Camille Prats na Mars sa GMA News TV inamin ni Suzi na hindi niya na-take nang malaman ang ginawa ng kanyang ex at sa bestfriend niya.

“So ginulpi ko ‘yung ex ko kasi nagloko siya sa bestfriend ko. O, ‘di ba, kagulpi-gulpi naman? Nagka-black eye siya. So after noon, tawag niya sa akin at saka ng barkada niya Tyson, wala pa kasi si Manny Pacquiao noon,” ani Suzi.

“Siyempre nagagawa mo ‘yon kasi bata ka pa. Sometimes when I think about it in the future, kung lokohin ba ako ng asawa ko magagawa ko?

“Baka hindi na kasi it’s different then when you’re young tapos ‘di ka nag-iisip tapos gusto mo lang makaganti.

“Double whammy siya so talagang sobrang nayanig ‘yung mundo ko, that was the only way na feeling ko makakaganti ako right then and there. Pero siyempre dapat huwag,” ani Suzi.

Read more...