Kilalang aktor nagdroga, matindi ang sama ng loob sa walang kuwentang ama

MARAMING nakakaalam na may matinding tampo sa kanyang ama ang isang kilalang male personality.

Ayon sa kanyang mga kaibigan ay may katwiran namang makaramdam ng ganu’n ang lalaking personalidad dahil kapos na kapos sa pagmamahal sa kanya ang tatay niya.

Wala raw ibang mahal at ipinagmamalaki ang kanyang tatay kundi ang kanyang mga kapatid sa ama, pinupuri ng kanyang tatay sa harapan at sa talikuran, pero ni hindi ‘yun ginagawa sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Hindi rin natin masisisi si ____ (pangalan ng male personality) kung ganu’n ang nararamdaman niya. Natural, pare-pareho naman silang anak, pero kitang-kita ang malaking difference ng pagtrato sa kanila ng tatay nila.

“Nararamdaman ‘yun ng male personality, pero hindi siya nagpapahalata, ilampung taon na niyang dinadala ang tampo sa father niya. Mabait ang anak na ito, marespeto sa kanyang magulang, puwede naman siyang makipag-usap nang masinsinan sa father niya, pero hindi niya ‘yun ginawa kahit minsan,” simulang chika ng aming impormante.

Nasangkot sa isang hindi magandang bisyo ang male personality, pero agad din siyang tumigil, hindi na kailangang gastusan ng kanyang pamilya ang kanyang pagpapa-rehab dahil siya mismo ang gumamot sa kanyang sarili.

“Naging paranoid ang daddy niya nu’ng malaman na may ganu’ng issue pala tungkol sa kanya. Nakakaloka, hindi siya pinatutulog ng daddy niya sa loob ng house nila, ipinagpagawa siya ng maliit na kuwarto sa may garden nila.

“Du’n siya kailangang matulog, hindi sa loob ng bahay nila, napraning ang father niya at nag-isip na baka kung ano ang gawin niya sa kanilang pamilya sa hatinggabi dahil nga sa bisyo niya.

“Ano ba namang kinausap niya nang maayos ang anak niya? Pero wala, ni hindi nga niya kinakausap ang anak niya may bisyo man o wala!

“Alam ng mommy niya ang mga nangyayari, gusto na ngang sugurin ang tatay niya para awayin, pero ang male personality lang ang pumipigil sa nanay niya.

“Hay, naku! Nakakaawa rin ang male personality na ‘yun, baka isang araw, e, bigla na lang niyang bulagain ang father niya at kumprontahin!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ngingitian din kaya ng langit ang hindi kagandahang relasyon ng mag-amang ito?” pagtatapos ng aming source.

 

Read more...