Enchong Dee confident sa pagbibilad ng hubad na katawan; may hugot kay James Bond

ISA si Enchong Dee sa mga male celebrities ngayon na walang kaarte-arte pagdating sa pagpapakita ng kanyang hubad na katawan.

Recently, rumampa ang Kapamilya hunk ng naka-briefs lang sa isang underwear fashion event. Talagang game na game si Enchong na nagbilad ng kamachuhan sa audience.

Pero alam n’yo ba na hindi ganyan ka-confident si Enchong noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz?

“When I was younger pero lahat naman atang mga bata pinagdadaanan yun na meron ka talagang baby fat. Pero I’ve been active ever since. So it was easy for me at the same time.

“When I was a kid, mga eight or nine years old meron akong bilbil dati talaga. Now proud ako na wala na siya masyado. Ha-hahaha!” pahayag ni Enchong sa panayam ng ilang press sa nasabing fashion event.

Ipinaliwanag din ng binata na nag-evolve na ang definition ngayon ng salitang “masculine” at “gentleman.”

“I think masculinity now is all walks of life. Kumbaga yung understanding natin ng gentleman na-stuck sa image ni James Bond for the longest time.

“We’re not discounting on that understanding but at the same time every generation has a certain diversity, there’s a certain variation of being a lady and being a gentleman. Kaya ‘pag nakita niyo lahat ng mga models ngayon it’s different ‘di ba?

“We cater to all, no matter what color you are, no matter what gender you are, no matter what religion you are. It’s all different now. There’s acceptance and there’s variation,” aniya pa.

At sa pagiging gentleman naman, ito ang masasabi ng actor-businessman, “A modern gentleman definitely has kindness. Yung marunong kang makisama kahit mababa man yung kinatatayuan ng isang tao or malayo man yung naabot ng isang tao.

“It doesn’t matter as long as you know how to treat them properly and treat them with kindness,” dagdag pa niya.
Sa ngayon, pahinga muna sa paggawa ng teleserye si Enchong. Mas naka-concentrate siya ngayon sa kanyang mga negosyo at iba pang showbiz commitments.

Read more...