Mahigpitan ang laban sa pagitan nina Pangulong-Mayor Joseph Estrada at dating vice-mayor Isko Moreno sa pagsungkit ng pinakamataas na posisyon sa lunsod ng Maynila.
Dating magkatiket na nagkahiwalay ang dalawang aktor-pulitiko, malaki ang utang na loob na dapat tanawin ni Isko Moreno sa dating pangulo, pero kung masalita ito ngayon ay parang wala lang.
Kuwento ng isang nakakuwentuhan naming Manilenyo na nakasaksi kung paano magsalita sa entablado ang dating vice-mayor, “Matabil ang dila ni Isko Moreno. Sa edad na edad na lang ng mga kaagawan niya sa posisyon, e, hindi magandang pakinggan ang mga sinasabi niya.
”
Kunsabagay, ganu’n naman talaga ang mga politicians, hanggang maiaangat nila ang kanilang sarili, e, gagawin at sasabihin talaga nila ang lahat,” kuwento ng aming source.
Walang masama sa pag-aambisyon, lalo na kung karapat-dapat naman ang pulitiko, pero ang mag-ilusyon ay ibang usapan na.
Mas bata si Isko Moreno kumpara sa kanyang mga katunggali, pero ang kaalaman ng mga ito ay kailangan pang masterin ng dating namamatsoy ng mga basura sa Tondo, marami pang kakaining sinaing ang aktor-pulitiko para makapagmalaki na sa kanyang nalalaman sa linya ng pagseserbisyo.