Enchong: Ang pagboto sa Lunes ay parang pagpili rin ng inyong boyfriend o girlfriend

ENCHONG DEE

Hinikayat ng Kapamilya hunk na si Enchong Dee ang madlang pipol na bumoto sa darating na Lunes at pag-isipang mabuti kung sin-sino ang dapat ihalal sa iba’t ibang posisyon.

Nagbigay din ng tips at advice si Enchong sa mga botante kasabay ng pagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagboto.

“Kailangan nating bumoto kasi everyone will be affected by the person who will win a seat in our government,” ani Enchong sa isang interview.

Aniya pa, “Akala natin hindi tayo apektado, hindi po totoo yun, lahat tayo apektado. Kasi kapag binoto mo, o hindi ka bumoto, yung mga tao na hindi karapat-dapat para sa posisyon, e maghahasik lang ng lagim.”

Ikinumpara pa ng binata ang pagpili ng tamang kandidato sa pagpili ng boyfriend o girlfriend, “Dapat siguro, makatao ka bago ka maka-Diyos. Minsan kasi ang daming tao na pakitang-tao, pero nakakalimutan na tratuhin nang tama yung mga kapwa natin.

“Tapos eliminate mo na yung mga kandidatong may history ng pagkakamali,” pahayag pa ni Enchong.

Read more...