TAKANG-TAKA ang Kapamilya TV host-sports reporter na si Gretchen Ho kung bakit napasama siya sa listahan ng mga personalidad na umano’y nagpaplanong pabagsakin ang Duterte administration.
Isa si Gretchen sa mga kilalang celebrities na na-invite sa private dinner sa Malacañang Palace nitong nakaraang Martes na in-organize ng partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet kaya marami ang nagtanong na netizens kung ano ba talaga ang “kartada” ng dalaga sa paglabas ng kontrobersyal na destabilization matrix na pakana ng sikat na sikat na ngayong si “Bikoy.”
Isang netizen ang nag-post sa Twitter ng, “Last night, Gretchen Ho attended a dinner in the presidential palace. Today, she got tagged in that ugly matrix. Hahaha.” Na sinagot naman agad ni Gretchen ng, “I’m confused too.”
Isa pang netizen ang nagsabing, “Nasa matrix ng ouster plan si gretchen ho pero nakasama ni duterte magdinner kagabi lmaoooo anuna.”
Birong reply sa kanya ng Umagang Kay Ganda segment host, “So ano ba talaga? Am I trying to OUST or SUPPORT the government?”
Isa pa ang nang-urirat kung bakit pumunta siya sa pa-private dinner sa Malacañang gayung “celebrity supporters” lang ni Duterte ang imbitado. Tugon dito ni Gretchen, “We were invited to a ‘private dinner’ in Malacañang. Hindi po sinabi na for ‘supporters’ of the President.
“I was there to have conversation & decided it would help to know the other side of things,” aniya pa.
Pagpapatuloy pa ni Gretchen, “Regarding being included in the ‘matrix’, I don’t even know who Bikoy is, I have never watched the videos nor shared them, and I have no idea who Rodel Jayme (nag-upload umano ng matrix video ni Bikoy) is. You can check all of my social media pages. Thanks.”
Bukod kay Gretchen, napaasma rin sa matrix ang pangalan ni 2018 Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz. Ilang netizens ang matapang na nagtanggol sa atleta at nagsabing isang malaking kabobohan ang pagkakasangkot kay Hidilyn sa isyu.
Sagot naman dito ng Pinay weightlifter, “Kaya nga! Dami ko pang goals sa life and Pinas para sumali sa ganyan bagay. Nashock lang ako nalink ako sa ganyan.”