LAUGH nang laugh ang netizens over one website report which said na naungusan na ng show nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ang The General’s Daughter ni Angel Locsin.
Manghang-mangha ang netizens sa item na ‘yun, lalo pa’t alam na alam naman nila na nangangamote sa rating ang Kapuso primetime show.
Actually, sa inilabas na rating ay nakapuntos lang ng 0.6 at 0.4 ang Kapuso show sa dalawang episodes pero kung magbunyi ang mga Kapuso ay ganoon na lang. Big deal na big deal na sa kanila ang ganoon.
Hindi nila naisip na bukod sa halos araw-araw na inilalampaso sila ng The General’s Daughter ay malaki talaga ang lamang ng Kapamilya primetime show.
Sa comments nga ng netizens, lait ang inabot ng Kapuso show na katapat ng The General’s Daughter.
“Naamoy ko na kapag ganyang balita kaakibat nyan is abangan Sahaya the last two weeks.”
“Hahahaha! TGD pa rin ang patok! Anung laban ng Sahaya puro lang naman yan api2 hindi marunong gumawa ng story ang Sahaya nakakaumay. Low class lang nanonood nyan! Hahahaha.”
“Napaka conscious nyo sa rating. Bat di nyo tutukan at pagandahin ang storya ng releserye nyo..ng mka ungos kyo. Halatang GMA desperado pagdating sa NUMBER GAMES.”
“HAY NAKU MGA KAPUSO MAHIYA NMAN KAYO PURO NLANG KAYO KAYABANGAN WLA namang maibubuga.”
“Minsan lang nakaungos. Paulit ulit ng pinopost sa lahat ng social medium? Parang nangyari na eto eh. Kung di ako nagkakamali.”
q q q
May supporter ang senatoriable na si Mar Roxas sa katauhan ni Mo Twister.
Libreng in-endorse ni Mo si Mar sa kanyang Twitter account.
“Like Ping (Lacson), I’m supporting Mar because he is the economist, an asset, that would be instrumental in the Senate. Ikaw? #RoxasKaNaBa,” tweet ni Mo.
Hati naman ang opinion ng followers ni Mo. There are those who sided with Mar while others objected Mo’s choice.
“I would have favored Mar if the people I know from Leyte didn’t attest to how badly Yolanda was handled.”
“I will vote for him due to lapdog candidates under this admin. We need genuine opposition for democracy to continue. #OtsoDirecho na rin!”
“I wanted to vote him too. But he made so many blunders along the way. One of which is lying bout the recent inflation.”
“His association with Pnoy and the dilawan put him in an odd situation.”
“Not me. Mar is a blunder waiting to happen. He should retire and salvage whatever is left of his credibility.”