Sharon tuloy ang pagpayat, walang bra sa interview; pero gustong lumiit ang boobs

SHARON CUNETA

TODO-PROMOTE ngayon si Sharon Cuneta para sa very first horror movie niyang “Kuwaresma” hindi lang sa kanyang social media accounts kungdi pati sa radio at TV.

Bukod sa pagmamalaki sa ganda at kalidad ng horror film, talagang ibinandera din si Shawie ang hugis ng kanyang katawan ngayon.

Although kailangan pa niyang magbawas ng konti pang timbang, seksing-seksi na siya para sa kanyang fans. Napakalaki na nga naman kasi ng nabawas sa kanyang weight after ng ilang months.

Sa huling Instagram post ni Shawie, nag-guest siya sa Cinema One show ni Boy Abunda na mapapanood this Sunday. Isa raw ito sa best interviews niya.

Napansin din namin ang nasa caption ng isa niyang Instagram post na pinusuan din ng kanyang followers. Nasabi niyang, “I want a tinier boobs.”

Komento naman ng isa niyang follower, maganda siya. Sagot naman sa kanya ni Sharon, wala siyang suot na bra sa guesting niyang yon, huh!

Anyway, ngayong gabi ang special screening ng “Kuwaresma” sa UP Cine Adarna, 7 p.m.. After ng screening, magkakaroon ng question and answer portion sina Sharon, John Arcilla, Kent Gonzales at direk Erik Matti mula sa estudyanteng invited.

Read more...