Gretchen Ho sa pagkakasama sa matrix: ‘I don’t even know who Bikoy is’

GRETCHEN HO

ITINANGGI ng television host na si Gretchen Ho na sangkot siya sa pagkilos para patalsikin si Pangulong Duterte matapos namang isama ang kanyang pangalan sa panibagong matrix na inilabas ng Malacanang.

“Regarding being included in the ‘matrix,’ I don’t even know who Bikoy is, I have never watched the videos nor shared them, and I have no idea who Rodel Jayme is. You can check all of my social media pages. Thanks,” sabi ni Ho sa isang tweet.

Ito’y matapos na ilabas ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang panibagong matrix na nagdadawit sa Liberal Party, Magdalo party-list group, at ilang miyembro ng media, kasama si Ho, sa umano’y pagkilos para siraan si Duterte.

“The President has received intelligence information that has been validated and appears to show that there is deliberate attempt to discredit this administration, as well as to boost the candidacies of the opposition, senatorial candidates,” sabi ni Panelo,

Bago naman ilabas ang bagong matrix ngayong Miyerkules, dumalo pa si Ho sa isang private dinner sa Malacanang matapos ang imbitasyon ni Duterte at kanyang partner na si Cielito “Honeylet” Avanceña.

“Nasa matrix ng ouster plan si gretchen ho pero nakasama ni duterte magdinner kagabi,” sabi naman ng isang netizen sa isang tweet.

Sumagot naman si Ho, sa pagsasabing: “So ano ba talaga? Am I trying to OUST or SUPPORT the government?”

Read more...