Kandidato ilang beses nang talunan, sige pa rin | Bandera

Kandidato ilang beses nang talunan, sige pa rin

Den Macaranas |May 08,2019
facebook
share this

Kandidato ilang beses nang talunan, sige pa rin

Den Macaranas - May 08, 2019 - 12:15 AM

MAGAGALIT ang Diyos sa ginagawa ng isang religious leader na isinawsaw na talaga ang buong pagkatao sa baluktot na gawain sa larangan ng pulitika.

Sinabi ng aking cricket na garapalan ang vote buying sa isang bayan sa Central Luzon.

Nagaganap pa ang mismong bilihan ng boto sa harapan ng gate ng bahay ng isang respetadong lider ng isang samahan ng mga tagasunod ni Hesus.

Hindi bababa sa P1,000 ang bigayan pero may ilang nakatanggap ng tig-P2,000 ayon pa sa aking cricket.

Laman ng sobre na ipinamimigay ng mga namimili ng boto ang pera at sample ballot ng mga kandidatong ilalagay sa balota ng mga boboto sa Lunes, May 13.

Bukod sa mga local officials ay kasama rin syempre sa nasabing sample ballot ang pangalan ng isang partylist group.

Para hindi halata at para hindi na rin nakakahiya kahit garapal ang kanilang mga galaw ay pinalalabas nilang allowance at honoraria ng kanilang mga volunteer ang nasabing pera.

Pero mahirap itong paniwalaan lalo’t alam naman ng mga residente sa lugar na ang nasabing pera ay para sa paborableng resulta ng halalan.

Kilala sa nasabing bayan ang religious leader na ito na ilang beses na ring nakisawsaw sa
pulitika pero sa kasamaang palad ay hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Lord na manilbihan bilang lingkod-bayan.

Tunay na nakaka-addict ang pulitika kaya ito ay binabalik-balikan ng ating bida ayon pa sa aking cricket na matagal na ring residente sa nasabing bayan.

Kunsabagay ay ilang taon na rin namang nagpapalitan sa local position ang malalapit na kaanak ng ating bida, na tatawagin na lang nating si Mr. Religious.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending