MAGKAIBA ang ugali ng kambal nina Korina Sanchez at Mar Roxas. Nagkaroon kami ng chance na mabisita ang twins kamakalawa sa bahay ng power couple sa Cubao City kasama ang ilan pang members ng entertainment media.
Nakipagchikahan sa amin sina ate Koring at Sen. Mar at dito nga naikuwento ng award-winning broadcast journalist ang mga qualities nina Pepe Ramon Gerardo Denzel at Pilar Judy Celia Korina or simply Pepe and Pilar.
Ayon kay former Sen. Mar, kinuha ang name ng kambal sa parents nila ni Korina. Gerardo at Judy ang pangalan ng tatay at nanay ng senatoriable habang Ramon at Celia naman ang name ng parents ni Korina. ‘Yung Denzel naman sa name ni Pepe ay mula sa favorite actor ng former senador na si Denzel Washington.
Habang karga-karga nina Korina at Mar ang kanilang mga anak, ikinuwento ng TV host ang pagkakaiba ng twins.
“Pilar is the more patient one, talagang mapagpasensiya ito. Kahit gutom na gutom na siya, maghihintay siya ng turn niya,” chika ni Ate Koring.
Dugtong pa niya, “Si Pepe naman hindi, talagang demanding siya, kaya medyo mahirap siyang alagaan.”
In fairness, baby pa lang ay mapagmasid na si Pilar sa kanyang paligid, talagang ikot nang ikot ang kanyang mga mata habang iniinterbyu ang kanyang mommy.
Samantala, nagkuwento naman si former Sen. Mar Roxas tungkol sa American surrogate mother ng kambal. Alam n’yo ba na naaksidente pala ito bago isilang ang twins? Nabangga ang sinasakyan nito habang nagdadalang-tao.
Buti na lang daw sa side ng kotse bumangga ang isa pang sasakyan at hindi napuruhan ang surrogate mother, “Before Christmas nangyari ‘yun. Tinamaan ng isang drunk driver, buti na lang sa tabi.
“Siya ang nagmamaneho, buti na lang, hindi nag-deploy yung airbag. Tinawagan niya kami, everything’s okay. Pinuntahan namin siya sa emergency room. Just the worry every day, kasi parang ito na ang last chance namin. This is it, ito na talaga,” kuwento pa ng mister ni Korina.
“I’m very thankful for her, she’s a single parent and high school lang ang tinapos. Kami ang pumili sa kanya, pero nagustuhan ko siya because nagsimula siyang barista sa Starbucks hanggang sa naging area manager siya.
“Itinaguyod niya yung anak niya, single parent siya. Iniwanan siya ng boyfriend niya. I don’t wanna give too much details because of her privacy,” aniya pa.
Ayon naman kay Ate Koring, una nilang nakausap ang surrogate mother sa Skype hanggang sa puntahan na nila ito sa US para makilala nang personal at magkaroon ng “deal.”
Super happy din ang mag-asawa dahil maraming natutuwa at nai-inspire sa paglabas ng kanilang kambal. Sikat na sikat na rin ngayon sina Pepe at Pilar, “Nagugulat ako, pero parang tanggap namin ni Korina, that’s part of the grace.
“Maraming nangangamusta sa kanila, marami ang nagke-care sa kanila. So, parang kasama na yun sa grasya, sa blessing, and nagpapasalamat kami. Akala namin, hindi na darating ito. It’s really a miracle.”