KABOGERO sina Enrique Gil, Xian Lim and Richard Yap.
Aba, nakatangap sila ng offer mula sa American writer, director, actor and producer na si Bill Duke. Via Twitter, inanyayahan ni Bill ang tatlo para mag-lunch for a possible Hollywood movie.
“When you come to #LosAngeles stop by #DTLA for Lunch to discuss International #SpyMovie.”
‘Yan ang tweet ni Bill sa tatlo. Nakilala si Bill sa appearance niya sa “Commando” at “Predator” kung saan nakasama niya si Arnold Schwarzenegger. Siya rin ang director ng “Sister Act 2” starring Whoopi Goldberg.
As of now ay wala pa kaming nababasang response nina Xian, Enrique at Richard. Baka sobra silang na-overwhelm sa invite na natanggap nila at kanila pa itong pina-process.
Kung matutuloy ang project ay siguradong pag-uusapan ang tatlo.