'Ano ang pagkakaiba nina Coco Martin at Korina Sanchez?' | Bandera

‘Ano ang pagkakaiba nina Coco Martin at Korina Sanchez?’

Cristy Fermin |May 08,2019
facebook
share this

‘Ano ang pagkakaiba nina Coco Martin at Korina Sanchez?’

Cristy Fermin - May 08, 2019 - 01:00 AM

COCO MARTIN AT KORINA SANCHEZ

Maraming nagkagusto sa sinabi ni Korina Sanchez na bakit nila ipagdadamot ni dating Senador Mar Roxas ang kanilang mga anak na sina Pepe at Pilar sa publiko?

Ayon sa magaling at matapang na broadcaster ay ang mga kababayan na natin ang kanilang nakasama sa biyahe ng kanilang relasyon mula sa pagliligawan, pagpapakasal, hanggang ngayong biniyayaan na sila ng kambal.

Maraming manunulat ang nagkatinginan nang sabihin ‘yun ni Ate Koring, mahal nila ni Kuyang Mar ang publiko, hindi nila ipagdadamot ang anumang biyayang dumarating sa kanila at darating pa.

Sabi ng isang reporter, “Mabuti pa sina Mar at Korina, nagpapakatotoo. Samantalang si Coco Martin, nu’ng masulat ang tungkol sa anak nila ni Julia Montes, nagalit pa!

“Pinanghihimasukan daw ang private life niya, samantalang ano ba siya? Artista sila, public figure sila, kaya ano ang ikinagagalit niya? Hindi ba niya naiisip na lahat ng mga endorsements na meron siya ngayon, e, nag-ugat sa pagiging public figure niya na nasusulat palagi sa mga tabloids?

“Nakakagulat ang mga pinagsasabi ni Coco ngayon, umakyat na ba ang hangin sa ulo niya? Hindi na ba niya kayang i-handle ang popularity at milyun-milyong meron na siya ngayon?” inis na sabi ng manunulat.

Mismo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending