Titanic, Star Wars, tinalo na ng Avengers; Avatar No. 1 pa rin

AVENGERS: ENDGAME

Natalo na ng Marvel’s “Avengers: Endgame” ang “Titanic”.

Kumita na ito ng mahigit US$2.189 billion in ticket sales worldwide mula nang ipalabas last week sa mga sinehan kaya naman ito na ang second highest-grossing movie of all time sa buong mundo.

Naungusan na ng “Avengers: Endgame” ang “Star Wars: The Force Awakens” na kumita ng $2.07 billion at ang “Titanic” na humamig naman noon ng $2.18 billion, ayon sa industry watcher na Exhibitor Relations.

Nananatili pa ring nasa top spot ang “Avatar” na kumita ng $2.79 billion. Posible pa itong matalo ng “Endgame” kung magtutuluy-tuloy pa ang paghamig ng kita ng nasabing Marvel movie sa iba’t ibang panig ng universe.

Ang “Avengers: Endgame” ay pinagbibidahan nina Robert Downey, Jr. (Iron Man), Chris Evans (Captain America), Mark Ruffalo (Hulk), Chris Hemsworth (Thor), Scarlett Johansson (Black Widow), Jeremy Renner (Hawkeye) at Josh Brolin (Captain Marvel).

Read more...