TUMAAS ng 22 porsyento ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng HIV noong Pebrero.
Sa datos na nakuha ng ACT-OFW, 88 OFW ang bagong dagdag sa mga nahawa ng HIV noong Pebrero, mas mataas sa 72 na naitala sa kaparehong buwan noong 2018.
Mula 1984, umabot na sa 6,433 ang bilang ng mga OFW na nagkaroon ng HIV, ayon kay ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz III.
Ang mga OFW na ang bumubuo sa 10 porsyento ng 64,291 kompirmadong nahawa ng HIV ayon sa National HIV/AIDS Registry.
Sa 6,433 nahawang OFWs, 86 porsyento (5,553) ang lalaki na ang median age ay 32. Sa mga ito 72 porsyento ang nahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik—2,328 ang sanhi ng male-to-male sex at 1,674 ang nakikipagtalik sa kapwa lalaki at babae.
Ang 880 babae ay may median age na 34.
Sinabi ni Bertiz na kailangan na palakasin ng Department of Labor and Employment ang kampanya nito laban sa HIV-AIDS at tulungan ang mga nahawa na.
“Under the law, the economic, social and medical support is to be extended to all OFWs, regardless of employment status and stage in the migration process,” ani Bertiz. “The preventive education seminar is to be provided for free and at no cost to OFWs or to the staff concerned.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.