Isyu versus Villar isa-isahin nga natin

ISANG malaking tandang pananong kung bakit namamayagpag sa mga survey si Sen. Cynthia Villar. Sino ba ang respondents ng mga survey na ito?
Baka naman puro tagasuporta lang ng mambabatas ang nakukunan ng opinyon, di kaya?
Natanong namin ito dahil sa dami ng mga na-isyu kay
Villar ay nananatili itong mabango sa masa.
Baka naman nakalimutan na ng publiko ang mga kontrobersyang kinasasangkutan niya?
Isa-isahin nga natin ito para mahimasmasan (at matauhan) ang mga respondents na siya ang bukambibig.
Unang-una sa listahan ay ang kanyang tila pagmemenos sa mga Pinoy nurse.
Hirit ng senadora: “Actually, hindi naman kailangan ng nurse ay matapos ng BSN or Bachelor of Science in Nursing. Kasi itong ating mga nurses, gusto lang nilang maging room nurse, sa America or other countries, parang mag-aalaga. Hindi naman sila kailangan maging ganoon kagaling.”
Sa sinabi niyang iyon ay naghimagsik
ang mga kababayan nating nurse na ang pakiramdam ay minaliit at ininsulto niya.

Nabatikos din ang senadora dahil inuupuan umano ng kanyang komite ang National Land Use Act, isa sa mga priority measures ni Pangulong Duterte.
Layon ng panukala na magtayo ng isang national agency na siyang magkakategorya sa land resource sa apat—protection, production, settlements development, at infrastructure development.
Banat ng kanyang mga kritiko, binuburo niya ito dahil may malaking epekto ito sa kanilang family business.
Si Villar, ang chair ng Senate committees on agriculture and food, agrarian reform, at environment and natural resources, mga komite na dapat sana ay tututok sa National Land Use Act, ang may-ari ng Vista Land & Lifescapes na sangkot sa conversion ng mga prime agricultural lands.
Kaya kung ngayon gaganapin ang eleksyon, pipiliin mo pa rin ba si Villar?

Read more...