PINUSUAN ng mga netizens kabilang na ang ilang celebrities ang “transformation” photo ng sikat na YouTube content creator and beauty guru na si Bretman Rock.
Kilalang-kilala ngayon sa social media si Bretman dahil sa kanyang mga pasabog at paandar sa YouTube, lalo na ang kanyang bonggang-bonggang selfie at make up tutorials kung saan nakakasama pa niya ang ilang mga sikat na artista.
Ang 20 year old Hawaii-based Pinoy social media sensation ay proud na proud din sa kanyang pagbabagong-anyo. Sa kanyang Instagram account, ibinandera uli ni Bretman ang kanyang “before and after” photo.
Nilagyan niya ito ng caption na, “I really grew into my face because I don’t even know who the person is on the left and why her brows are far apart.”
Ilan sa mga local celebrities na nag-like at nag-comment sa litrato niya ay sina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose at TV host Bianca Gonzales.
Noong July, 2018, unang nag-post si Bretman sa IG ng video kung saan nakadetalye ang kanyang transformation, mula sa kanyang buhok hanggang sa kanyang katawan.
Nag-ingay din sa social media ang make up artist nang regaluhan niya ng house and lot ang kanyang inang si Mercedita.