KAKAIBA rin naman pala ang saltik na meron ang isang kilalang female singer. Maldita siya, nanunukat ng estado ng kanyang mga kasamahang singers, wala siyang gaanong kaibigan dahil sa kanyang ugali.
Piling-pili lang ang itinuturing niyang kaibigan dahil ang karamihan kuno ay hindi nakapapasa sa kanyang panukat, kulang ang mga katangiang hinahanap niya, ganern.
Kuwento ng isang source, “Maldita ang babaeng ‘yun! Kahit sa subdivision na tinitirhan nila, hindi siya gusto ng mga homeowners, kitang-kita kasi ang kamalditahan niya!
“Feeling kasi ng female singer na ‘yun, e, sikat na sikat siya, na siya na ang pinakamatalinong singer, kaya ganu’n na lang siya kung makaasta!
“May saltik ang babaeng ‘yun! Kapag hindi niya type ang kaharap niya, e, lantaran niyang ipinararamdam ‘yun! May mga standards kasi siyang sinusunod.
“Akala mo naman kung sino siya, e, isang song lang naman niya ang alam ng mga Pinoy, wala nang sumunod pa! ‘Yun lang!” inis na kuwento ng aming source.
Nakakaloka ang isang kuwentong nakarating sa aming impormante. Sinopla-sopla pala ng malditang female singer na ito nu’n ang isang female singer na sorry na lang dahil mas nakilala pa kesa sa kanya.
“Naku, nu’ng nagsisimula pa lang si ____ (pangalan ng isang pamosong babaeng singer), e, pinagmalditahan niya ‘yun! Kilala na kasi siya nu’n, nag-uumpisa pa lang ‘yung singer, kaya ang feeling niya talaga, e, may karapatan na siyang magyabang!
“Anyare? Nawala siya sa circulation, pero ang singer na pinagmalditahan niya, e, sinuwerteng makilala, bumenta ang mga kanta! Hindi siya makakalimutan ng female singer na ‘yun dahil sa ginawa niya!
“Kunsabagay, hindi na naman nakapagtataka ang ugali ng female singer na ‘yun, kahit naman ngayon, e, lutang na lutang ang kamalditahan niya at pagpi-feeling matalino, di ba?
“Nakikisawsaw siya sa mga isyung hindi niya naman naiintindihan, basta upak lang siya nang upak, sa totoo lang! Kaya isa lang ang masasabi ng mga naiinis sa kanya, lagot!” pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, maunahan kaya kayo nina Jon at Ching Bautista Silverio sa pagtumbok kung sino ang malditang female singer?